Partnership ng Tsina at ASEAN, patataasin sa bagong lebel

2023-02-23 16:26:08  CMG
Share with:

Jakarta, Indonesia—Sa kanilang pagtatagpo Miyerkules, Pebrero 22, 2023, sinang-ayunan nina Ministrong Panlabas Qin Gang ng Tsina at Pangkalahatang Kalihim Kao Kim Hourn ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na pasusulungin ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng ASEAN at Tsina sa bagong antas.

 

Saad ni Qin, ang ASEAN ay isa sa mga pinakamatagumpay na organisasyon ng kooperasyong panrehiyon, at sa pabagu-bagong kalagayang pandaigdig at panrehiyon, nagiging mas mahalaga ang katayuan nito.

 

Aniya, ang kasalukuyang taon ay ika-10 anibersaryo ng pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at ASEAN at Belt and Road Initiative, at ika-20 anibersaryo ng pagsapi ng Tsina sa Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia.

 

Kasama ng ASEAN, handa ang panig Tsino na tuluy-tuloy na pasulungin ang konstruksyon ng “limang tahanan”, walang tigil na pasaganain ang nilalaman ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng kapuwa panig, patuloy na suportahan ang mga gawain ng sekretaryat ng ASEAN, at magkasamang pasulungin ang pagtamo ng kooperasyong Sino-ASEAN at kooperasyon ng Silangang Asya ng mga bagong progreso.

 


Inihayag naman ni Kao Kim Hourn na ang Tsina ay unang malaking bansang sumapi sa Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia, at napakahalagang estratehikong katuwang din ng ASEAN.

 

Diin niya, may estratehikong pag-a-upgrade ang relasyon ng kapuwa panig, at walang humpay na lumalawak ang kanilang kooperasyon, at tuluy-tuloy na lumalakas ang pagtitiwalaan.

 

Ayon sa pahayag na inilabas ng Ministring Panlabas ng Tsina, pasusulungin din ng magkabilang panig ang mga bagong progreso sa negosasyon sa Code of Conduct (COC) in the South China Sea, upang ipagkaloob ang garantiyang institusyonal sa pagtatanggol sa kapayapaan at katatagan ng karagatang ito.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil