Tsina sa Amerika: dapat tumpak na pakitunguhan ang isyu kaugnay ng Chinese civilian unmanned airship

2023-02-23 16:36:44  CMG
Share with:

 

Kaugnay ng pananalita ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, hinggil sa insidente ng Chinese civilian unmanned airship, ipinahayag Pebrero 22, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsailta ng Ministring Panlabas ng Tsina, na di-totoo ang pananalita ni Blinken. Hinimok ng Tsina ang Amerika na tumpak na pakitunguhan ang isyung ito, at lutasin ang kapinsalaan sa relasyong Sino-Amerikano dulot ng pagmamalabis na paggamit ng Amerika ng dahas.

 

Ipinahayag ni Wang, na sinabi nang maraming beses na ng Tsina sa Amerika, na ang pagpasok ng Chinese civilian unmanned airship sa airspace ng Amerika ay isang ganap na hindi sinasadya, hindi inaasahan at nakahiwalay na aksidente na dulot ng force majeure. Pero, ini-ignore ng Amerika ang katotohanan, ipinaputok ang civilian airship sa paggamit ng misayl ng isang maunlad na fighter jet.

 

Sinabi ni Wang na ang aksyon ng Amerika ay ganap na pagmamalabis sa paggamit ng dahas at over-reacting.

 

Sa katotohanan, ang Amerika nitong sarili, ay bansa na nakasalakay ng soberaniya ng ibang bansa, lumabag ng batas pandaigdig, at isinagawa ang pagmomonitor sa ibang bansa.

 

Ipinahayag ni Pangulong Joe Biden ng Amerika sa pampublikong situwasyon na hindi hanapin ang “bagong Cold War,” at ayaw makipagsagupaan sa Tsina. Umaasa ang Tsina na bilang lider ng isang malalaking bansa, ipatupad ni Biden ang kanyang pangako.

 

Kung palalalain ng Amerka ang krisis, pananagutan nito ang lahat ng resulta, saad ni Wang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil