Amerika, pinakamalaking pinanggalingan ng mga sandata sa battlefield ng Ukraine – Tagapagsalita ng MOFA

2023-02-22 15:30:21  CMG
Share with:

Kaugnay ng maling pananalita ng ilang opisyal ng Amerika hinggil sa Tsina, sinabi Martes, Pebrero 21, 2023 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na sapat na katotohanan ang nagbubunyag ng tunay na tabas ng Amerika bilang pinag-ugatan ng kaguluhan, sa halip ng tagapagtanggol sa kapayapaan.

 

Diin niya, ang Amerika ay siyang pinakamalaking pinanggalingan ng mga sandata sa battlefield ng Ukraine.

 

Nitong Pebrero 20, inanunsyo ng panig Amerikano ang muling pagkakaloob ng tulong-militar na nagkakahalaga ng US$ 500 milyon sa Ukraine, samantala, walang tigil na ikinakalat nito ang pekeng impormasyon hinggil sa pagkakaloob ng Tsina ng mga sandata. Ano ang tangka ng Amerika dito, tinanong ni Wang.

 

Aniya, paulit-ulit na inihayag ng Amerika na gusto nitong ipagtanggol ang kapayapaan, at sa kabilang banda naman, nakikinabang nang malaki ang industryang pandepensa nito sa battlefield ng Ukraine.

 

Diin ni Wang, ang komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng Tsina at Rusya ay itinayo sa batayang walang alyansa, walang komprontasyon, at hindi nakatuon sa ika-3 panig, at ito ay karapatan sa soberanya ng dalawang indipendyanteng bansa.

 

Hindi katanggap-tanggap ang pagsasalita ng kung anu-ano o panggigipit ng Amerika sa relasyong Sino-Ruso, dagdag niya.

 

Hinimok ni Wang ang panig Amerikano na sariwain ang sariling kilos, itigil ang panggugulo at pakikinabang sa krisis sa Ukraine, at tunay na pasulungin ang negosasyong pangkapayapaan, tulad ng ginagawa ng Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil