Lahat ng mga deputado ng Ika-14 na NPC, kinumpirmang balido

2023-02-25 18:08:28  CMG
Share with:

 

Sa ika-39 na sesyon nitong idinaos kahapon, Pebrero 24, 2023, sa Beijing, pinagtibay ng Pirmihang Komite ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina ang ulat tungkol sa pagsusuri sa kuwalipikasyon ng mga deputado ng Ika-14 na NPC, kung saan kinumpirmang balido ang 2,977 deputadong ito.

 

Pagkaraan nito, isinapubliko ng naturang pirmihang komite ang listahan ng mga deputado.

 

Ayon naman sa isang hiwalay na ulat ng NPC, ang naturang mga deputado ay naihalal sa pamamagitan ng mga halalang idinaos mula Disyembre ng nagdaang taon hanggang Enero ng taong ito sa iba’t ibang lugar ng Tsina.

 

Anang ulat, ang mga deputado ay galing sa iba’t ibang sektor ng Tsina, na gaya ng iba’t ibang etnikong minorya ng bansa, mga karaniwang manggagawa at magsasaka, mga propesyonal ng iba’t ibang industriya, at mga lider at opisyal ng mga organo ng partido at pamahalaan, at mayroon ding mga babaeng deputado. Malawak anito ang pagkakatawan ng mga deputado.

 

Ayon pa rin sa ulat, ang walang sagabal na pagsasagawa ng halalan ng mga deputado ng Ika-14 na NPC ay mahalaga para sa pag-unlad ng buong prosesong demokrasya ng bayan ng Tsina, paggigiit at pagpapabuti ng sistema ng pambansang kongreso, at pagpapasulong sa modernong sistema at kakayahan ng pangangasiwa ng estado ng Tsina.


Editor: Liu Kai