Protesta, inihayag ng Tsina sa sangsyon ng Amerika sa mga kompanyang Tsino: ganting hakbang, ipinangako

2023-02-27 17:58:44  CMG
Share with:

Mariing tinututulan ng Tsina ang sangsyong ipinataw ng Amerika laban sa mga kompanyang Tsinong di-umano’y sumusuporta sa aksyong militar ng Rusya.

 

Ito ang ipinahayag ngayong araw, Pebrero 27, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.


Hiniling din niya sa Amerika na bawiin ang sangsyon.

 

Aniya pa, patuloy na isasagawa ng Tsina ang kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga kompanyang Tsino.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio