Pag-unlad ng karapatang pantao, dapat angkop sa aktuwal na kalagayan ng iba’t-ibang bansa

2023-02-28 16:53:18  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati, Pebrero 27, 2023, mataas na antas na pulong ng Ika-52 Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), ipinahayag ni Qin Gang, Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa kasalukuyan, mahigpit na hamon ang kinakaharap ng pag-unlad ng pandaigdigang usapin sa karapatang pantao.

 


Kaugnay nito, inilahad niya ang ilang mungkahi ng Tsina:

 

Una, dapat igiit ang landas ng pag-unlad ng karapatang pantao na angkop sa aktuwal na kalagayan ng iba’t-ibang bansa; ikalawa, dapat igiit ang komprehensibong pagpapasulong at pangangalaga sa karapatang pantao sa iba’t-ibang uri; ikatlo, dapat igiit ang pandaigdigang katarungan; ika-apat, dapat igiit ang diyalogo at kooperasyon.

 

Sinabi ni Qin na sapul nang isagawa ang Hong Kong National Security Legislation, ang Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ay unti-unting pumapasok sa matatag na bagong yugto mula sa magulong kalagayan noong nakaraan.

 

Buong tatag at komprehensibong isinasakatuparan ng Tsina ang patakarang “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” malakas na pinangangalagaan ang soberanya, kaligtasan at kapakanan ng pag-unlad ng bansa, at pananatilihin ang kasaganaan at katatagan ng HKSAR, saad ni Qin.

 

Binigyang-diin din niyang ang pagpapakawala ng radyo-aktibong tubig sa dagat ng Fukushima nuclear plant ay may kinalaman sa kaligtasan ng ekolohikal na kapaligiran ng buong daigdig at kalusugan ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa.

 

Dapat aniyang himukin ng iba’t-ibang panig ang Hapon na pangasiwaan ang radyo-aktibong tubig sa bukas, maliwanag, siyentipiko, at ligtas na paraan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio