Sa pulong na idinaos, Pebrero 25, 2023, sa lunsod Iwaki, Fukushima ng Hapon, ipinaliwanag ni Yasutoshi Nishimura, Ministro ng Ekonomiya, Kalakalan at Industriya ng bansa, ang isyu ng pagpapakawala ng radyo-aktibong tubig sa dagat ng Fukushima nuclear plant.
Pero tulad ng dati, mahigpit itong tinututulan ng mga lokal na residenteng nasa industriya ng pangingisda.
Inanunsyo noong Abril 2021, ng pamahalaang Hapones ang plano ng Fukushima nuclear plant na magpakawala ng radyo-aktibong tubig sa dagat, na agaran namang tinutulan mula sa loob at labas ng bansa.
Noong Hulyo 2022, opisyal na inaprobahan ng Hapon ang nasabing plano.
Noong panahon iyon, isinasagawa ng International Atomic Energy Agency (IAEA) ang pagsusuri sa isyung ito.
Noong Enero 2023, bago bumisita ang grupo ng IAEA sa Hapon, unilateral na ginawa ng Hapon ang pagpapakawala ng radyo-aktibong tubig sa dagat.
Ang naturang mga aksyon ng Hapon ay nakapinsala sa awtoridad ng kinauukulang organisasyong pandaigdig, iresponsibleng gawain para sa mga Hapones at komunidad ng daigdig.
Ang pagpapakawala ng radyo-aktibong tubig sa dagat ay hindi suliraning panloob ng Hapon, ito ay mahalagang pandaigdigang pangyayari na magdudulot ng epekto sa mga bansa sa timog Pasipiko.
Dapat wastong pangasiwaan ng Hapon ang isyung ito sa siyentipikong paraan.
Ang dagat ay pundasyon ng pagkabuhay at pag-unlad ng iba’t-ibang bansa ng daigdig.
Bilang signataryong bansa ng United Nations Convention on the Law of the Sea, mayroong responsibilidad at obligasyon ang Hapon upang pangalagaan ang karagatan.
Sa katotohanan, noong 2013 ay inilahad ng Hapon ang 5 plano hinggil sa pangangasiwa ng radyo-aktibong tubig.
Pero dahil gustong makatipid ng Hapon, pinili nitong itapon ang radyo-aktibong tubig sa dagat, kahit labag ito sa pandaigdigang batas, at makakapinsala sa ekolohikal na kapaligirang pandagat at kalusugan ng buong sangkatauhan.
Lubos na ipinakikita ng aksyong ito ang pagiging makasarili ng pamahalaang Hapones.
Kaugnay nito, dapat isagawa ng komunidad ng dagidig ang aksyon, para mapangalagaan ang komong kapakanan ng daigdig sa lehitimong paraan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio