CMG Komentaryo: Panukula sa pagsisimula ng proseso ng pagpili sa bagong hukom DBS, hinarang ng Amerika

2023-03-01 17:27:09  CMG
Share with:


Muling ginamit ng Amerika, Pebrero 27, 2023, sa pulong ng World Trade Organization (WTO), ang “veto power” nito upang harangin ang panukulang magpapasimula sa proseso ng pagpili sa bagong hukom ng Dispute Settlement Body (DSB) ng organisasyon.



Ang naturang panukula ay magkakasamang inilahad ng 127 miyembro, at ito na ang ika-63 beses na pagkakaharang.

 

Tinukoy ng Guatemala na ang aksyon ng Amerika ay walang anumang batayang pambatas, at nakapinsala sa karapatan ng maraming miyembro ng WTO.

 

Ang DSB ay isa sa mahahalagang pundasyon ng WTO at mayroon itong 7 permanenteng hukom.

 

Tatlong hukom ang kinakailangan para maigarantiya ang normal na operasyon ng sistema.

 

Pero, nitong ilang taong nakalipas, hinahadlangan ng Amerika ang paghirang sa bagong hukom.

 

Nitong Disyembre 2019, isang hukom lamang ang naiwan at natigil ang operasyon ng sistema.

 

Dahil dito, nasadlak sa pinakamalaking krisis ang WTO sapul nang ito ay maitatag.

 

Noong Nobyembre 30, 2020, wala nang natirang hukom ang DSB at lahat ay nagbitiw sa puwesto.

 

Nitong ilang taong nakalipas, pinapasulong ng Amerika ang patakaran ng proteksyonismong pangkalakalan, at inilunsad ang digmaang pangkalakalan laban sa maraming panig na tulad ng Tsina at Unyong Europeo.

 

Sa tingin ng Amerika, kung hindi nito makokontrol ang WTO, sisirain nito ang pungsyon ng DSB, para maiwasan ang mga hatol na di-paborable sa sarili.

 

Sa katuwiran ng “kompetisyon ng malalaking bansa,” labis na kinakalat ng pamahalaan ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ang konsepto ng “pambansang seguridad,” at “Amerika Muna” upang patuloy na sirain ang regulasyon ng pandaigdigang kalakalan.

 

Dagdag pa riyan, ang paglalagay ng Amerika sa mga kompanya ng ibang bansa sa “listahan ng entities,” pagsasagawa ng “long arm jurisdiction” at sangsyong pangkalakalan, pagpapalabas ng “CHIPS and Science Act of 2022” at “Inflation Reduction Act,” ay grabeng nakasisira sa industrial chain at supply chain, at lumalabag sa prinsipyo ng malayang kalakalan at regulasyon ng WTO.

 

Kung patuloy na sisirain ng Amerika ang regulasyon ng WTO, ito mismo ang magiging biktima sa bandang huli.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio