Mensahe ng pakikidalamhati, ipinadala ni Xi sa kanyang counterpart sa Gresya

2023-03-02 15:05:04  CMG
Share with:

Kaugnay ng naganap na banggaan ng dalawang tren sa Gresya, isang mensahe ng pakikidalamhati ang ipinadala Miyerkules, Marso 1, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Katerina Sakellaropoulou.

 

Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, inihayag ni Xi ang taos-pusong pakikidalamhati sa mga nabiktima ng nasabing insidente, at matapat na pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga nasawi.

 

Ipinaabot din niya ang pag-asang gagaling sa lalong madaling panahon ang mga nasugatan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio