Sesyon ng CPPCC, binuksan

2023-03-04 15:55:59  CMG
Share with:

 

Binuksan ngayong hapon, Marso 4, 2023, sa Beijing, ang unang sesyon ng Ika-14 na Pambansang Komite ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC), kataas-taasang organong tagapayong pampulitika ng Tsina.

 

Dumalo sa sesyon ng pagbubukas si Xi Jinping at iba pang mga lider ng Tsina.

 

Ginawa naman ni Wang Yang, Tagapangulo ng Ika-13 Pambansang Komite ng CPPCC, ang ulat tungkol sa mga gawain ng Pirmihang Lupon ng naturang komite.


Editor: Liu Kai