Direktor-Heneral ng IAEA, dumalaw sa Iran

2023-03-05 12:31:19  CMG
Share with:

 


Kinatagpo kamakailan ni Pangulong Seyed Ebrahim Raisi ng Iran si Rafael Grossi, Direktor-Heneral ng International Atomic Energy Agency (IAEA) upang pag-usapan ang pagpapalakas ng relasyon ng dalawang panig.

 

Sinabi ni Raisi na lubos na ipinakikita ng pag-anyaya ng Iran sa IAEA ang malakas mithiin sa pagsasagawa ng konstruktibong kooperasyon.

 

Umaasa aniya siyang ihaharap ng IAEA ang propesyonal na mungkahi at iiwasan ang impluwensya ng ilang hegeminokong bansa.

 

Si Grossi ay dumalaw sa Iran mula Marso 3 hanggang 4, 2023.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio