Bukas na pamilihang Tsino, magdudulot ng mas maraming pagkakataon sa mga kompanyang dayuhan

2023-03-05 10:51:21  CMG
Share with:

Sa ulat pampamahalaan, Marso, 5, 2023, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, iminungkahi niya ang ilang mga hakbang sa taong 2023, upang ma-engganyo ang mga dayuhang kompanya na mamuhunan sa bansa.

 

Aniya, ang bukas na pamilihang Tsino ay tiyak na magkakaloob ng mas maraming pagkakataon ng pag-unlad para sa mga kompanya ng iba’t-ibang bansa.

 

Tinukoy din sa ulat na dapat patuloy na palakasin ang suporta sa pagluluwas at pag-aangkat, at mabuting bigyan ng serbisyo ang mga dayuhang kompanya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio