Tsina, pinapasulong ang AI sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan - Ministro ng teknolohiya

2023-03-06 16:36:39  CMG
Share with:


Sa "Ministers' Corridor"ng sidelines ng Two Sessions ng taong ito na idinaos Marso 5, 2023, ipinahayag ni Wang Zhigang, Ministro ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina, na lalo pang pasusulungin ng Tsina ang inobasyong pansiyensiya at pangteknolohiya at industriya ng artificial intelligence (AI) para ibigay ang ambag sa pag-unlad ng ekonomiya at lipunan. 

 

Nitong nakaraang 5 taon, isinagawa ng Tsina ang estratehiya ng innovation-driven development, at pinapaunlad at ina-upgrade ang industriyal na estruktura, saad ni Wang.  


Aniya, isinagawa din ng Tsina ang mainam na deployment ng AI industry. 


Pinapasulong nang maraming taon ang research and development (R&D) sa AI, at natamo na ang ilang bunga, dagdag niya. 


Bukod dito, inilahad na ng bansa ang ilang scenarios para sa aplikasyon ng AI. Sa pamamagitan ng traksyong pangteknolohiya at paraan ng scenario-driven, ibibigay ng AI ang ambag sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, saad ni Wang. 


Salin:Sarah

Pulido:Ramil