Pag-unlad ng Tsina, hindi maaaring hadlangan ng sangsyon

2023-03-07 16:26:01  CMG
Share with:

Ayon sa ulat, ipinahayag kamakailan ni Bill Gates, negosyante ng Amerika, na hindi magiging matagumpay ang pagsisikap ng Amerika na hadlangan ang Tsina sa pananaliksik sa mga chips; aalisin nito lang ang pagkakataon ng pagtatrabaho ng Amerika, at pabababain ang pagbebenta ng chips ng bansa.

 

Ipinahayag din ni David Goldman, ekonomista ng Amerika, na ang ideya ng Amerika na ganap na decupling mula sa Tsina ay isang pantasya, mabubuhay pa rin ang industrya ng semi-conductor ng Tsina sa harap ng sangsyon ng Amerika.   

 

Kaugnay nito, ipinahayag Marso 6, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula sa proyekto ng “two bombs and one satellite”, hanggang sa manned spaceflight, quantum communication, at Beidou navigation system, lubos na ipinaliwanag ng mga katotohanan na ang pag-unlad ng Tsina ay batay sa pundasyon ng puwersa ng Tsina nitong sarili.

 


Hindi maaaring hadlangan ng sangsyon ang pag-unlad ng Tsina. Palalakasin nito lang ang kapasiyahan at kakayahan ng Tsina sa inobasyon ng siyensiya.

 

Sinabi rin ni Mao na sapul nang ipinalabas ng Amerika ang CHIPS and Science Act, ikinabalisa at itinanong ito ng maraming personahe at organo ng sirkulo ng komersyo ng Amerika. Tinukoy nilang ang industriya ng semi-conductor ng Amerika ay depende sa global supply chain, ang “decoupling” ay hindi lamang lumabag sa mga tuntunin ng industriya, kundi rin magdudulot ng napalakaing gastusin ng Amerika sa kabuhayan at teknolohiya.

 

Hindi maaaring bawian ng Amerika ang karapatan ng pag-unlad ng ibang bansa at sirain ang supply chain ng buong daigdig para mapangalagaan ang hegemoniyang pangteknolohiya nitong sarili, saad ni Mao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil