China-Aided Cambodia Landmine Elimination Project 2023-2025, sinimulan

2023-03-10 16:13:16  CMG
Share with:

 

Sa kanyang pagdalo sa seremoniya ng pagsisimula ng China-Aided Cambodia Landmine Elimination Project 2023-2025 na idinaos Marso 9, 2023, sa Siem Reap, Kambodya, ipinahayag ni Wang Wentian, Embahador ng Tsina sa Kambodya, na mula noong taong 2018, palagiang ipinagkakaloob ng Tsina ang walang bayad na tulong sa pamahalaan ng Kambodya, at inalis ang 74.92 kilometro kuwadrado na sona ng landmine, na nakinabang sa mahigit 600 libong mamamayan.

 

Sa ngalan ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya at pamahalaang Kambodiyano, pinasalamatan naman ni Tea Banh, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Kambodya, ang Tsina sa pagbibigay-tulong sa mga makataong aksyon ng Kambodya na tulad ng pag-aalis ng landmine at iba pa.

 

Tinukoy niyang sa kasalukuyan, umiiral pa rin ang mga 650 kilometro kuwadrado na di-alisin na sona ng landmine sa kanyang bansa, at nanawagan siya sa komunidad ng daigdig na patuloy na palakasin ang suporta sa aksyon ng Kambodya ng pag-aalis ng mga landmine.

 

Mula 2023 hanggang 2025, aalisin ng Tsina ang mga 101.54 kilometro kuwadrado na sona ng landmine sa tatlong lalawigan ng Kambodya ng Siem Reap, Kampong Thom, at Preah Vihear.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil