Sa kanilang pagtatagpo kahapon, Pebrero 10, 2023, sa Beijing, ipinatalastas nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya ang pagsisimula ng bagong panahon ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa.
Sumang-ayon din ang dalawang lider, na buuin ang balangkas ng kooperasyon ng Tsina at Kambodya sa anim na pangunahing aspekto ng pulitika, kapasidad ng produksyon, agrikultura, enerhiya, seguridad, at pagpapalitang tao-sa-tao.
Ipinahayag ni Xi ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Kambodya, na ibigay ang mas maraming positibong elemento sa rehiyonal na kapayapaan, katatagan, at kaunlaran, at ipagtanggol ang pandaigdigang pagkakapantay-pantay at katarungan.
Sinabi naman ni Hun Sen, na aktibong susuporta at lalahok ang Kambodya sa mga mungkahi ng Tsina na makakabuti sa kapayapaang pandaigdig at komong pag-unlad, na gaya ng Belt and Road Initiative, Global Development Initiative, at Global Security Initiative.
Patuloy na pasusulungin ng Kambodya ang relasyon ng Association of Southeast Asian Nations at Tsina, dagdag niya.
Editor: Liu Kai