Hene-henerasyong pagkakaibigan ng Tsina't Kambodya, magpapatuloy

2023-02-24 16:33:51  CMG
Share with:

 

Sa pakikipagtagpo ngayong araw, Pebrero 24, 2023, sa Beijing, nina Pangulong Xi Jinping at Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina, kina Haring Norodom Sihamoni at Inang Reyna Norodom Monineath Sihanouk ng Kambodya, ipinahayag ni Xi ang mainit na pagtanggap sa Hari at Inang Reyna sa Beijing para sa medikal na pagsusuri.

 

Pinasalamatan din niya ang unang henerasyon ng maharlikang pamilya ng Kambodya sa pagbibigay-ambag sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Kambodyano.

 

Kasama ng Kambodya, handa aniya ang Tsina na pabilisin ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa.

 

Sinabi naman nina Haring Sihamoni at Inang Reyna Monineath, na nitong nakalipas na mahabang panahon, ibinibigay ng Tsina ang walang pag-iimbot na tulong at suporta sa Kambodya.

 

Dapat anilang palalimin pa ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa, para ipagpatuloy ang hene-henerasyong pagkakaibigan ng Kambodya at Tsina.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan