Sa ikaapat na sesyong plenaryo ng unang sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina na idinaos ngayong umaga, Marso 11, 2023, sa Beijing, nilagdaan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kautusang pampanguluhan tungkol sa paghirang kay Li Qiang bilang premyer ng bansa.
Nauna rito, sa pamamagitan ng pagboto, pinagpasiyahan ng mga kinatawan ng NPC ang nominasyon ni Xi na italaga si Li sa posisyong ito.
Pinagpasiyahan din ng mga kinatawan ang nominasyon sa mga pangalawang tagapangulo at miyembro ng Sentral na Komisyong Militar ng Tsina, at inihalal ang puno ng Pambansang Komisyon ng Superbisyon, punong mahistrado ng Kataas-taasang Hukumang Bayan, punong prokurador ng Kataas-taasang Prokuraturang Bayan, at mga miyembro ng Pirmihang Lupon ng Ika-14 na NPC.
Pagkatapos nito, pawang nangako ng katapatan sa Konstitusyon ang naturang mga opisyal.
Editor: Liu Kai