Ayon sa isang sarbey ng China Global Television Network (CGTN), ipinalalagay ng 91.07% respondent na makatwiran at pragmatiko ang inaasahang target ng humigit-kumulang 5% paglago ng kabuhayang Tsino sa 2023, dahil umaangkop ito sa kalakaran ng kaunlarang ekonomiko, at nagpapakita rin ng ibayo pang pagpapahalaga ng Tsina sa de-kalidad na pag-unlad.
Ang naturang sarbey ay inilabas ng CGTN sa mga plataporma sa wikang Ingles, Espanyo, Pranses, Arabe at Ruso, at kasali rito ang 25,700 respondent.
Sa mga taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) na kasalukuyang ginaganap sa Beijing, itinakda ng Tsina ang inaasahang target ng humigit-kumulang 5% paglago ng pambansang kabuhayan sa kasalukuyang taon, bagay na nakatawag ng pansin ng buong mundo.
Pananaw ng 81.99% respondent na bilang pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig, mahahalagang ambag ang ibinigay ng Tsina para sa pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng emisyon ng daigdig.
Samantala, nananalig ang 86.6% respondent na pag-iibayuhin ng Tsina ang pagbubukas sa labas sa taong ito, at makikinabang dito ang daigdig.
Salin: Vera
Pulido: Ramil