Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina (Xinhua/Li Gang)
Sa kanyang pagdalo, Marso 8, 2023, sa plenaryong pulong ng delegasyon ng People's Liberation Army (PLA) at People's Armed Police Force sa sidelines ng unang sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, pambansang lehistlatura ng bansa, sinabi ni Pangulong Xi Jinping, na dapat buksan ang bagong kalagayan para pabutihin ang integradong pambansang estratehiya at estratehikong kapabilidad.
Nanawagan siya upang unipikahin ang mga estratehikong areglo, mapagkukunan, at lakas, sa lahat ng larangan upang sistematikong mapabuti ang pangkalahatang puwersa ng bansa tungo sa pagharap sa mga estratehikong hamon, pangalagaan ang mga estratehikong interes, at makamtan ang mga estratehikong obdiyektibo.
Hiniling din ni Xi na dapat paunlarin ang kooperatibong inobasyon sa siyensiya at teknolohiya, partikular, sa independiyente’t orhinal na inobasyon, para itatag ang mataas na antas na self-reliance sa siyensiya at teknolohiya, sa lalo madaling panahon.
Ipinag-utos din niya ang koordinadong konstruksyon ng mga pangunahing imprastruktura, pagpapabilis ng pagtatayo ng mga pambansang reserba, at pagpapalakas ng kakayahan ng reserba sa pangangalaga sa pambansang seguridad.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio