Great Hall of the People, Beijing – Ipininid ngayong umaga, Marso 13, 2023, ang unang sesyon ng Ika-14 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), pambansang lehislatura ng bansa, na dinaluhan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at iba pang lider ng bansa.
Sa pamamagitan ng pagboto, inaprobahan ng mga deputado ng NPC ang mga resolusyon tungkol sa ulat ng gawain ng pamahalaan, pagpapatupad ng pambansang planong pang-ekonomiya’t panlipunang kaunlaran sa 2022, at paggamit ng sentral at lokal na badyet sa 2022.
Bukod dito, inaprobahan din nila ang pambansang planong pang-ekonomiya’t panlipunang kaunlaran para sa 2023, at sentral na badyet para sa 2023.
Sa kabilang dako, niratipikahan din nila ang mga resolusyon hinggil sa mga ulat ng gawain ng Pirmihang Komite ng Ika-13 NPC, Supreme People's Court at Supreme People's Procuratorate, at rebisyon sa Batas ng Lehislasyon.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio