Pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko ng Saudi Arabia at Iran, posibleng makabuti sa Yemen - Tsina

2023-03-16 16:43:58  CMG
Share with:


Sa kanyang talumpati, Marso 15, 2023, sa United Nations Security Council (UNSC), ipinahayag ni Geng Shuang, Pangalawang Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN, na umaasa siyang magkakaroon ng pagbuti sa kalagayan ng Yemen dahil sa pagpapanumbalik ng relasyon ng Saudi Arabia at Iran.

 

Si Geng Shuang (file photo)

  

Bagamat inamin ni Geng na hindi maganda pa rin ang kasalukuyang kalagayan ng Yemen, nananawagan aniya ang Tsina sa lahat ng nagsasagupaang panig na magtimpi upang maiwasan ang mga aksyong makakapinsala sa pagtitiwalaan at lilikha ng mahigpit na tensyon.

 

Hinihimok din aniya ng Tsina ang komunidad ng daigdig na dagdagan ang makataong tulong sa Yemen, at ipagkaloob ang garantiya ng pondo para sa mga makataong gawain ng UN, at kanselahin ang di-makatuwirang limitasyon sa naturang mga makataong gawain.

 

Matatandaang nagdiyalogo kamakailan sa Beijing ang delegasyon ng Saudi Arabia at Iran, at napanumbalik ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Tungkol dito, sinabi ni Geng na ang naturang bunga ay nagdulot ng positibong elemento sa pagpapasulong ng kapayapaan at katatagan ng Gitnang Silangan.

 

Nakahanda ang Tsina upang patuloy na magsikap, kasama ng komunidad ng daigdig para malutas ang isyu ng Yemen at mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng Gitnang Silangan, ani Geng.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio