Tsina sa UNSC: resolbahin ang kalagayan ng Ukraine

2022-11-17 16:39:44  CMG
Share with:


  

Si Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN/ file photo


Sa kanyang talumpati Nobyembre 16, 2022, sa pulong ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa isyu ng Ukraine, tinukoy ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na kahit gaano kahirap at karami ang hamon, dapat magsikap ang komunidad ng daigdig para hanapin ang komong palagay at espasyo ng kooperasyon tungo sa pagpapahupa ng kalagayan sa Ukraine, muling pagsisimula ng talastasan, pagkontrol sa pagkalat ng krisis, at pagkakaroon ng konstruktibo at responsableng papel ng komunidad ng daigdig.

 

Sinabi rin niyang suportado ng Tsina ang Pangkalahatang Kalihim ng UN at kanyang mga kasama sa patuloy na pagkokoordina para malutas ang problema sa pagluluwas ng pagkain-butil at pataba ng Rusya.

 

Nananawagan aniya ang Tsina sa iba’t ibang kinauukulang panig na isagawa ang hakbangin para alisin ang negatibong epektong dulot ng mga sangsyon, itayo ang ideya ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan, at palakasin ang kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon at mutuwal na kapakinabangan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio