Global Civilization Initiative, mahalagang produktong pampubliko na ibinabahagi ng Tsina sa komunidad ng daigdig

2023-03-17 15:07:21  CMG
Share with:

Inihayag Huwebes, Marso 16, 2023 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Global Civilization Initiative (GCI) ay isa pang mahalagang produktong pampubliko na ibinabahagi ng Tsina sa komunidad ng daigdig sa makabagong panahon, kasunod ng Global Development Initiative (GDI) at Global Security Initiative (GSI).

 

Aniya, patitingkarin ng inisyatibang ito ang malakas na pampasigla para sa pagpapasulong sa proseso ng modernisasyon ng sangkatauhan, at pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

 

Saad ni Wang, makaraang iharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang GCI sa Pulong sa Mataas na Antas ng Diyalogo ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa mga Partido Pulitikal ng Daigdig nitong Martes, positibo ang reaksyon dito ng komunidad ng daigdig.

 

Ipinalalagay aniya ng mga personaheng pandaigdig na mabisang makakapagpasulong ang GCI sa pagpapalitan at mutuwal na pagkatuto ng mga sibilisasyon, at makakapagpasulong din sa progreso ng sibilisasyon ng sangkatauhan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil