Magkasanib na pagsasanay na militar, idaraos ng Tsina at Kambodya

2023-03-17 16:34:23  CMG
Share with:

 

Pumunta kahapon, Marso 16, 2023, ang isang team ng mga sundalong Tsino sa Kambodya para sumangkot sa ika-5 na yugto ng magkasanib na pagsasanay na militar ng Tsina at Kambodya na may code-name na ang “Golden Dragon-2023.”

 

Ang magkasanib na pagsasanay ay naglalayong patibayin at paunlarin ang komprehensibong estratehikong kooperatibong partnership ng dalawang bansa, pabutihin ang pagtitiwalaang pulitikal, palawakin ang pagpapalitang militar, pataasin ang kapabilidad ng mga hukbo ng dalawang bansa sa paglaban sa terorismo at makataong tulong.

 

Idaraos ang pagsasanay na militar na ito mula Marso 20 hanggang Abril 8, na dadaluhan ng mahigit 3,000 sundalo mula sa dalawang bansa, at ang pokus nito ay nasa tatlong bahagi na kinabibilangan ng magkasanib na pagsasanay sa seguridad para sa mga mahalagang kaganapan, makataong gawain, pagpapalitang kultural at iba pa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil