Putin: Pagdalaw ng Pangulong Tsino sa Rusya, makakapagbigay ng bagong lakas sa bilateral na kooperasyon at koordinasyon

2023-03-20 16:48:02  CMG
Share with:

Sa kanyang pirmadong artikulo ngayong araw, Marso 20, 2023, sa pahayagang People’s Daily ng Tsina, ipinahayag ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang pananabik sa gagawing dalaw pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang bansa.

 

Aniya, ang nasabing pagdalaw ay mahalaga, at umaasa siyang ito’y makakapagbigay ng bagong lakas sa kooperasyon at koordinasyon ng dalawang bansa sa iba’t-ibang aspekto.

 

Dahil sa kagilas-gilas na pag-unlad ng relasyong Ruso-Sino, tinukoy ni Putin na umabot na ito sa napakataas na lebel, at patuloy pang lumalakas at tumitibay.

 

Diin niya, sa mula’t mula pa’y naninindigan ang Rusya’t Tsina sa pagbuo ng rehiyonal at pandaigdigang sistema ng seguridad, na pantay, bukas, inklusibo, at hindi nakatuon sa ikatlong panig.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan