Hinimok Martes, Marso 21, 2023 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang panig Hapones na maayos na hawakan ang nuklear na kontaminadong tubig, batay sa obdyektibo’t siyentipikong anggulo, sa ligtas na paraang angkop sa obligasyong pandaigdig, pandaigdigang pamantayang panseguridad, at magandang praktikang pandaigdig.
Aniya, dapat lubos na pag-aralan, talakayin at suriin ang ibang plano, maliban sa pagtapon ng nuclear sewage sa dagat.
Dagdag niya, komprehensibong inilahad kamakailan ng kaukulang namamahalang tauhan ng Ministring Panlabas ng Tsina ang paninindigan ng Tsina sa pagtapon ng nuklear na kontaminadong tubig ng Fukushima Daiichi power plant sa dagat. Sa kabila ng lehitimong pagkabahala ng komunidad ng daigdig, lumalabag ang pamahalaang Hapones sa mga obligasyong pandaigdig na dapat isabalikat nito, at puwersahang pinapasulong ang pagtapon ng nuclear sewage sa dagat, bagay na hindi lamang nakakapinsala sa kapaligirang pandagat at kalusugang pampubliko, kundi lumalapastangan din sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga kapitbansa.
Hinding hindi ito kilos ng isang responsableng bansa, dagdag niya.
Sinabi ni Wang na ayon sa isang poll sa Hapon, tutol sa pagtapon ng nuclear sewage sa dagat ang 43% mamamayan sa loob ng Hapon, at palagay ng mahigit 90% mamamayan na ang ganitong plano ay magbubunsod ng negatibong epekto.
Kung ipagpipilitan ng Hapon ang sariling paninindigan, may karapatan ang komunidad ng daigdig na humiling sa Hapon na isabalikat ang pananagutan ng pagbintang ng panganib ng polusyong nuklear sa buong sangkatauhan, ani Wang.
Salin: Vera
Pulido: Ramil