Sa paanyaya, nakipag-usap sa telepono Marso 23, 2023, si Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), kay Emmanuel Bonne, Diplomatikong Konselor kay Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya.
Sa pag-uusap, nagpalitan ang dalawang panig ng palagay hinggil sa pagsasagawa ng bilateral na pagpapalagayan sa mataas na antas, pagpapasulong ng komprehensibong estratehikong kooperasyon ng Tsina at Pransya, at iba pang isyu, at narating nila ang komong palagay.
Sa kahilingan, ibinahagi ni Wang ang tungkol sa pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Rusya.
Sinabi ni Wang na sa isyu ng Ukraine, patuloy na nananangan ang Tsina sa pundamental na paninindigan ng pagpapasulong ng kapayapaan at diyalogo. Aniya, sa magkasanib na pahayag na ipinalabas ng mga lider ng Tsina at Rusya, ginawa ang mahalagang eksplanasyon hinggil sa isyu ng Ukraine, at ipinadala ang boses ng kapayapaan sa komunidad ng daigdig.
Tinukoy din ni Wang, na inaasahan ng Tsina ang Pransya at ibang bansang Europeo na gaganap ng papel para dito. Ang pagtigil ng putukan, pagpapanumbalik ng talastasan, at paglutas ng krisis sa pulitikal na paraan ay dapat maging estratehikong komong palagay ng Tsina at Europa, dagdag niya.
Samantala, ipinahayag ni Bonne na sa isyu ng Ukraine, hindi sumusuporta ang Pransya sa camp confrontation. Tulad ng Tsina, umaasa rin aniya ang Pransya na lulutasin ang krisis sa pulitkal na paraan ng talastasan.
Nakahanda ang Pransya na magsikap, kasama ng Tsina, para pasulungin ang pagtigil ng putukan, at hanapin ang kalutasan ng mapayapang paglutas ng krisis, saad pa ni Bonne.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil