Kinatawang Tsino, binatikos ang paninirang-puri ng mga bansang kanluranin sa Tsina

2023-03-24 16:45:09  CMG
Share with:

Sa general debate ng ika-52 na sesyon ng United Nations Human Rights Council noong Marso 22, 2023, ipinahayag ng kinatawang Tsino na iginigiit ng Tsina ang paglagay sa mga tao bilang sentro.



Sinabi niyang ang maligayang buhay ng mahigit 1.4 bilyong mamamayang Tsino ay pinakamalaking karapatang pantao. Walang humpay na pinapasulong aniya ng Tsina ang pag-unlad ng usapin ng karapatang pantao sa pamamagitan ng pagtahak sa landas ng modernisasyong Tsino, at natamo ang maraming bunga.

 

Ipinahayag ito ng panig Tsino para labanan ang pagninirang-puri ng mga bansang kanluranin sa Tsina, at paglantad ng maling aksyon ng mga bansang kanluranin sa karapatang pantao, at kanilang pagkukunwari.

 

Tinukoy ng panig Tsino na para sa kanilang layuning pulitikal, kinakalat ng mga bansang kanluranin ang pekeng impormasyon, upang sugpuin ang pag-unlad ng Tsina, at tiyak na mabibigo sila.

 

Binigyan-diin ng Tsina na sa halip ng paninirang-puri ng Tsina, dapat isagawa ng mga bansang kanluranin ang aktuwal na aksyon para lutasin ang racism, gun violence, forced labor at iba pang malubhang problema sa karapatang pantao; dapat itigil nila ang paglabag sa karapatan ng mga minorya at mga grupong mahina; dapat kanselahin ang ilegal at unilateral na sangsyon sa mga umuunlad na bansa, itigil ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa sa katwiran ng karapatang pantao na nakakapinsala sa panrehiyong katatagan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil