Konstruktibong papel ng komunidad ng daigdig sa pagpapawi ng alitan ng iba’t ibang panig ng Myanmar, ipinanawagan ng kinatawang Tsino

2023-03-17 16:21:06  CMG
Share with:

Sa di-pormal na pulong ng Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN) hinggil sa isyu ng Myanmar Huwebes, Marso 16, 2023, nanawagan si Dai Bing, Chargé d'affaires sa Permanenteng Misyon ng Tsina sa UN, na patingkarin ng komunidad ng daigdig ang konstruktibong papel para sa pagpapawi ng alitan ng iba’t ibang panig ng Myanmar.

 

Aniya, ang pangmatagalan at maayos na pagresolba sa isyu ng Myanmar ay nakasalalay sa Myanmar mismo.

 

Dapat igiit aniya ng komunidad ng daigdig ang tumpak na direksyon ng pagpapasulong sa kapayapaan at talastasan, at patingkarin ang konstruktibong papel para sa pagpapasulong sa makatarungang diyalogo ng iba’t ibang panig, sa paunang kondisyon ng paggalang sa soberanya, pagsasariling pulitikal, kabuuan ng teritoryo at pagkakaisa ng Myanmar.

 

Sinusuportahan ng panig Tsino ang pagpapasulong ng Sekretaryat ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at ASEAN Coordinating Centre for Humanitarian Assistance on Disaster Management (AHA Centre) sa gawain ng pagbibigay ng makataong tulong sa Myanmar, at sinusuportahan din ang pagpapalakas ng koordinasyon sa pagitan ng ASEAN at mga kaukulang panig na kinabibilangan ng UN, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil