CMG Komentaryo: Pagsabog ng Nord Stream gas pipeline, dapat lubusang imbestigahan

2023-03-24 15:43:04  CMG
Share with:

Muling inilabas Miyerkules, Marso 22, 2023 ni investigative journalist Seymour Hersh ng Amerika ang artikulo sa social media na nagsasabing ang umano’y pagsabog ng Nord Stream gas pipeline ay ginawa ng pro-Ukraine group ay isang pekeng balita.

 

Aniya, ang pekeng balitang ito ay niluto at pinalaganap ng intelligence agency ng Amerika, upang pagtakpan ang katotohanan.

 


Ayon sa masaganang detalye at ebidensya na ipinagkaloob ni Hersh, sa panahaon ng pagdalaw ni Chancellor Olaf Scholz ng Alemanya sa Amerika noong unang dako ng buwang ito, tinalakay niya, kasama ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ang hinggil sa pagsabog ng Nord Stream. Pagkatapos nito, tinanggap ng Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika ang tungkulin ng pakikipagkooperasyon sa intelligence agency ng Alemanya upang lumikha ng istorya para sa paglilihim ng katotohanan ng pagsabog ng Nord Stream.

 

Kung totoo ang pinakahuling ibinunyag ni Hersh, kailangang isagawa ng United Nations (UN) ang pandaigdigang imbestigasyon para hanapin ang katotohanan kaugnay ng Nord Stream sa lalong madaling panahon.

 

Napapansin ng mga tao na ilang araw makaraang matapos ang biyahe ni Scholz sa Amerika, magkasabay na inilabas ng New York Times ng Amerika at Die Zeit ng Alemanya ang mga ulat na nagsasabing ang insidente ng Nord Stream ay nasa likod ng pro-Ukraine group.

 


Bukod dito, ang paglulunsad ng pagsabog sa Nord Stream gas pipeline ay isang napakawasto at napakalaking proyekto sa labas ng makakaya ng organisasyong di-pampamahalaan, at ang Amerika ay siyang may motibo at kakayahan para ilunsad ang naturang pagsabog.

 

Sa harap ng parami nang paraming ebidensya, kung totoong walang pagkabahala ang konsiyensiya ng Amerika, dapat bigyan nito ng tugon ang mga duda at pagkabahala ng komunidad ng daigdig, at suportahan ang pamumuno ng UN sa imbestigasyong pandaigdig sa insidente ng Nord Stream.

 

Ang pagpapanatiling tahimik sa kasalukuyang situwasyon ay nangangahulugan ng pahiwatig na pag-amin sa kagagawan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil