DTI Assistant Secretary ng Pilipinas: ang kabuhayang Tsino ay puwersang tagapagpasulong sa pag-unlad ng daigdig

2023-03-29 16:15:34  CMG
Share with:


 

Nang kapanayamin ng China Media Group (CMG) kamakailan, ipinahayag ni Allan Gepty, Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary, na umaasa siyang ang mas maraming kalutasan ng Tsina ay ilalahad sa Boao Forum for Asia (BFA) upang idulot ang puwersang tagapagpasulong para sa kabuhayang pandaigdig.

 

Aniya, ginaganap ng Tsina ang mahalagang papel sa pag-unlad ng kabuhayan pagkatapos ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Sinabi din niyang sa harap ng kalagayan ng lubos na “kawalang-tiyak” sa kasalukuyang daigdig, inilahad ng lider ng Tsina ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan, Belt and Road Initiative, Global Development Initiative, Global Security Initiative at iba pang inisyatiba, na nakakatulong sa paglaki ng kabuhayan, at gumaganap ng positibong papel para sa kapayapaan ng buong mundo.

 

Idaraos mula Marso 28 hanggang Marso 31 ng kasalukuyang taon, sa Boao, lunsod ng lalawigang Hainan ng Tsina, ang taunang pulong ng BFA 2023, na nagpokus ng temang “Solidarity and Cooperation for Development amid Challenges.”

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil