Ipinahayag, Marso 29, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na, mariin ang pagtutol ng kanyang bansa sa plano ni Tsai Ing-wen na gumawa ng “transit” na pagbisita sa Amerika.
Aniya, matatag na tinututulan ng Tsina ang opisyal na pagpapalitan sa pagitan ng Amerika at Taiwan sa anumang porma, “transit” na pagbisita ng lider ng Taiwan sa Amerika sa anumang katuwiran, at paglabag ng Amerika sa prinsipyong isang Tsina at pakikipag-ugnayan nito sa awtoridad ng Taiwan sa anumang porma.
Dagdag ni Mao, madalas na inihaharap ng Tsina ang solemnang representasyon sa Amerika hinggil dito.
Ang totoong layunin ng lider ng Taiwan sa paggawa ng “transit” na pagbisita sa Amerika ay pagkakalat ng ideyang “pagsasarili ng Taiwan,” diin niya.
Niliwanag ni Mao, na hindi labis ang reaksyon ng Tsina sa isyung ito, dahil nakikipagsabwatan at sinusuportahan ng Amerika ang separatistang puwersa na nagsusulong ng “pagsasarili ng Taiwan.”
Hinihimok aniya ng Tsina ang Amerika na sundin ang prinsipyong isang Tsina at regulasyon ng tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerka, at aktuwal na isakatuparan ang pangako ng mga lider ng Amerika na hindi susuportahan ang “pagsasarili ng Taiwan,” at hindi susuportahan ang “dalawang Tsina” o “isang Tsina, isang Taiwan.”
Aniya pa, kailangang itigil ng Amerika ang opisyal na pakikipagpalitan sa Taiwan sa anumang porma, at ihinto ang pagpapataas ng substantibong ugnayan sa Taiwan.
Mahigpit aniyang sinusubaybayan ng Tsina ang isyung ito, at buong tatag na pangangalagaan ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio