Komperensya bilang paggunita sa ika-30 na anibersaryo ng pagpoproklama ng Saligang Batas ng Macao SAR, ginanap

2023-03-31 17:00:18  CMG
Share with:

Ginanap ngayong araw, Marso 31, 2023 sa Macao ang komperensya bilang paggunita sa ika-30 na anibersaryo ng pagpoproklama ng Saligang Batas ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (Macao SAR).

 

Sa kanyang talumpati sa komperensya, tinukoy ni Li Hongzhong, Pangalawang Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, na nitong nakalipas na tatlong dekada, nabuo ng Saligang Batas ng Macao SAR, kasama ng pambansang konstitusyon, ang pundasyon ng sistemang konstitusyonal ng Macao SAR, at ipinagkakaloob ang komprehensibong garantiyang pambatas para sa pag-unlad ng iba’t-ibang usapin ng Macao.

 

Diin niya, sa makabagong panahon at biyahe, mahalaga ang kahulugan ng pagpapatupad ng nasabing saligang batas para sa bagong praktika ng “isang bansa, dalawang sistema” ng Macao.

 

Dapat aniyang walang humpay na i-optimisa ang “isang bansa, dalawang sistema,” ipatupad ang karapatan sa komprehensibong pangangasiwa ng pamahalaang sentral, igiit ang simulaing “pangangasiwa sa Macao ng mga makabayan,” tuluy-tuloy na pasulungin ang aktibong pagsali ng Macao sa pangkalahatang situwasyon ng pambansang kaunlaran, at patuloy na palakasin ang pagpapalaganap ng konstitusyon at Saligang Batas ng Macao SAR.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil