Pamumulaklak ng cherry blossom sa Yuyuantan Park, naging picture perfect destination para sa maraming turista

2023-03-31 17:52:45  CMG
Share with:

Sa mahigit 2,000 puno ng cherry blossom na nakatanim sa parke, ang Yuyuantan Park ay naging picture perfect destination para sa maraming turista tuwing panahon ng tagsibol.

 

Mga turistang namamasyal



Mag-asawang kinukunan ng letrato ng kanilang anak


Mga turistang tumitingin ng kuhang letrato sa cellphone


Mga bulaklak ng sakura



Matagal ng paboritong lugar ang Yuyuantan Park para sa mga lokal at turista dahil sa pamumulaklak ng mga cherry blossom, at ipinagmamalaki din ng parke ang pinakamalaking sakura garden sa Beijing.  



Nakasakay sa dilaw na bangka


 Tulay ng Zhongdi sa Yuyuantan Park


Ang mga magandang tanawin ng tulay, pagsakay sa bangka sa lawa, mga larong istilong karnabal at pagkain, at madaling pag-access ay ginagawa itong isa sa mga pinakamagandang picture perfect destination para sa pamumulaklak kung isasaalang-alang sa pangkalahatan.


Masaya ang resulta ng kuhang letrato


Mga propesyonal na potograpo at modelo 


Kinukunan ng letrato suot ang Hanfu, tradisyonal na damit Tsino


Modelong kumukuha ng angulo para kunan ng letrato


Sa iba't ibang sulok ng parke, maraming masasayang tao ang nagpapakuha ng larawan, ramdam ang malaputi at malarosas na kulay ng sakura. 


Mga turistang namamasyal at nagpapakuha ng letrato


Tumutugtog ng harmonica


Pinipinta ang bulaklak ng sakura


Nagpapa-ikot ng sultang laso 


Marami ang namamasyal, tumutugtog ng harmonica, nagpipinta, pati na rin ang nagwawagayway o nagpapaikot ng sutlang laso na may patern ng kaliskis ng dragon.


Karaniwang tumatagal ang pamumulaklak mula huling linggo ng Marso hanggang kalagitnaan ng Abril, kaya bisitahin na ang parkeng ito.


Artikulo/Larawan: Ramil Santos

Editor sa teksto at website: Jade