Selebrasyon ng Chinese New Year: Gabi sa kalye ng Qianmen

2023-01-25 12:50:16  CMG
Share with:

Isang klase ng pigurin ng kuneho


Isang gabi bago magsimula ang Chinese New Year, nilibot ko ang Qianmen St. upang masilayan ang paghahanda na ginagawa ng mga Tsino. Ang bawat poste ng ilaw ay may mga nakasabit na malalaking Chinese lantern. Sa mga sangay ng puno naman, mga ilaw na pampalamuti na Chinese lantern din ang nakasabit. Ito ay nangangahulugan na ang pagdiriwang ng Chinese New Year ay handang handa na.


Nakasabit na mga Chinese lantern sa poste ng ilaw


Palamuting ilaw na Chinese lantern

 

Ang taong 2023 sa kalendaryong Tsino ay itinalagang Taon ng Kuneho. Ito ay ang ika-apat na hayop sa Chinese Zodiac at ito rin ay sumasagisag sa biyaya, kagandahan, awa at good luck. Kaya marami ang bumibili ng mga binebentang pigurin, at pampaswerte na may kinalaman sa kuneho, ang makikita sa mga bawat sulok ng tindahan.


Bumibili ng pampaswerte


Iba’t ibang modelo ng pigurin ng kuneho


Maraming mga maliliit na tindahan din ang nagbebenta ng iba’t ibang uri ng pagkain gaya ng hotdog, Zaogao (枣糕) o Jujube Cake na gawa sa maglagkit at syempre hindi rin mawawala ang kunehong cotton candy.


Nagtitinda ng hotdog


Zaogao (枣糕) o Jujube Cake na gawa sa maglagkit


Kunehong Cotton Candy


Napansin kong binibilhan ng isang ginoo ang kanyang anak ng isang ng Tanghulu (糖葫芦) . Ang  tinuhog na sugarcoated na Bingtanghulu (冰糖葫芦), isang sikat na tradisyonal na meryendang prutas galing sa hilagang bahagi ng Tsina. Kahit din ang isang binibini ay bumibili rin. Masasabi kong mapabata o matanda, maraming tumatangkilik at bumibili nito. Ito ay dahil sa kanyang bilugang hugis at kulay pula na sumisimbolo ng kaligayan at muling pagsasama ng pamilya.


Binibilhan ng ginoo ang kanyang anak ng Tanghulu


Bumibili ng Tanghulu ang isang binibini


Bagama’t ang aking pagpunta ay isang gabi bago magsimula ang Chinese New Year, dahil sa dami ng taong namamasyal at bumibili, sa mga dekorasyon at palamuting nakasabit, masasabi kong ito ay isang pagdiriwang na. 


Artikulo/Larawan: Ramil Santos

Pulido/Patnugot sa website: Jade 

Espesyal na pasasalamat kay Lito