Sa sidelines ng Boao Forum For Asia (BFA) 2023 sa Boao, lunsod ng lalawigang Hainan ng Tsina, idinaos Marso 30 at 31, 2023, ang dalawang araw na sesyong may temang “Pagtatag ng Kaayusan ng Kooperasyon at Seguridad sa South China Sea.”
Sa kanyang sulat na talumpati sa sesyon, ipinahayag ni Nong Rong, Asistanteng Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang South China Sea ay komong bahay ng mga bansa sa rehiyong ito.
Si Nong Rong, Asistanteng Ministrong Panlabas ng Tsina
Aniya, nitong ilang taong nakalipas, binuo na ng mga panrehiyong bansa ang mabisang karanasan hinggil sa pagkontrol ng alitan, pagpapalakas ng pagtitiwalaan, pagpapasulong ng kooperasyon at iba pa.
Sinabi pa niyang komprehensibo at mabisang ipinapatupad ng iba’t ibang kinauukulang panig ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), at palagiang pinapasulong ang pagsasanggunian ng Code of Conduct in the South China Sea (COC), para magkakasamang buuin ang mas maunlad na regulasyon sa rehiyong pandagat.
Ipinalalagay din ng mga kalahok na kinabibilangan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas na ang pangagalaga sa kapayapaan at katatagan ay angkop sa komong kapakanan. Dapat magtimpi ang iba’t ibang kinauukulang panig, palakasin ang kooperasyon at iwasan ang alitan.
Si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas
Samantala, malalim na tinalakay din ng kalahok ang mga paksang tulad ng “Regulasyon at Sistema ng Kooperasyon sa South China Sea,” “Pagpapantay, Pagbabahagi, at Pragmatiko: Pananaw ng Rescue Work sa Dagat ng South China Sea,” “Kooperasyong pansiyensiya at pangteknolohiya at Pagsasaayos sa Kapaligiran ng rehiyon ng South China Sea,” “Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) at Kooperasyong Pandagat” at iba pa.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil