Sa kanyang keynote speech sa seremonya ng pagbubukas ng Taunang Boao Forum for Asia (BFA), Huwebes, Marso 30, 2023, inihayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina na nagiging regular sa kasalukuyang daigdig ang kawalang katatagan at katiyakan.
Tinukoy niyang dapat magkakapit-bisig na buuin ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Asya, at isulong ang mas maraming katiyakan para sa kapayapaan at katatagan ng daigdig.
Nanawagan din siyang magkakasamang ipagsanggalang ang mapayapa’t matatag na kapaligirang pangkaunlaran, para mapa-usbong ang mas maraming katiyakan sa maligalig na daigdig; buuin ang mas masiglang sentro ng paglago, para mapa-usbong ang mas maraming katiyakan sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig; palawakin ang mabisang pamamaraan tungo sa pagkakaisa at pagtutulungan, para mapa-usbong ang mas maraming katiyakan sa malalimang reporma sa pangangasiwang pandaigdig; at pasulungin ang pagpapalitang tao-sa-tao, para mapa-usbong ang mas maraming katiyakan sa pagkakahalu-halo at pakikipamuhayan ng magkakaibang sibilisasyon.
Diin niya, tiyak ang target at prospek ng pag-unlad ng Tsina, at malakas ang lakas-panulak at tunguhin ng paglago ng kabuhayang Tsino.
May kompiyansa at kakayahan ang Tsina upang mapasulong ang matatag at pangmatagalang paglago ng kabuhayan, at gagawin ng bansa ang mas malaking ambag sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio