Pagbangon ng Tsina ay pagkakataon sa halip ng banta – Gloria Macapagal-Arroyo

2023-03-30 20:42:12  CMG
Share with:


 

Marso 29, 2023, lunsod Boao, lalawigang Hainan ng Tsina Sa kanyang pagdalo sa isang sangay na porum ng taunang pulong ng Boao Forum For Asia (BFA) 2023, na may temang The Chinese Path to Modernization, sinabi ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas, na ang pagbangon ng Tsina ay pagkakataon sa halip ng banta.

 

Nagkokooperasyunan aniya ang Pilipinas at Tsina sa larangan ng kabuhayan at kultura, at may pluralistikong bilateral na relasyon ang dalawang bansa.

 

Ani Macapagal-Arroyo, kayang lutasin ng Pilipinas at Tsina ang alitan sa pamamagitan ng diyalogo.

 

Ayon naman sa ibang kalahok, natutulungan ng Tsina ang mga umuunlad na bansa sa pagpapabuti ng kanilang kalagayan, at ibinibigay nito ang namumukod na ambag sa rehiyonal na katatagan.

 

Ang tagumpay ng modernisasyong Tsino ay makakatulong sa mga umuunlad na bansa upang hanapin ang landas ng pag-unlad na angkop sa sariling kalagayan, anila.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio