Sa kanyang liham bilang sagot sa mga kinatawan ng artistang Arabe na kalahok sa aktibidad ng "Silk Road: Artists' Rendezvous" exhibition, hinimok ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga artistang Arabe na gawin ang mas maraming likhang-sining na magpakita ng pagkakaibigang Sino-Arabe, at bigyan ng bagong ambag ang pagpapahigpit ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng magkabilang panig.
Umaasa aniya siyang bibisita sa Tsina ang mas maraming artistang Arabe, at magkakaroon ng mas maraming likhang-sining na makapagpasulong sa pagpapalitang kultural sa pagitan ng Tsina at mga bansang Arabe, ibabahagi ang kani-kanilang karanasan at pagkaunawa sa Tsina, at payagan ang pagkaunawa sa Tsina ng mas maraming kaibigang Arabe.
Isang liham ang ipinadala kamakailan ng mahigit 50 artistang Arabe na kasali sa aktibidad ng "Silk Road: Artists' Rendezvous” kay Pangulong Xi, para ibahagi ang kani-kanilang natamong bunga at pagkaunawa sa biyahe sa Tsina, at ihayag ang pag-asang gagawin ang ambag sa people-to-people bond ng Tsina at mga bansang Arabe.
Hanggang sa kasalukuyan, kasali sa nasabing aktibidad ang mahigit 100 artista mula sa 22 bansang Arabe, at ginawa nila ang 487 likhang-sining na kinabibilangan ng larawan, istatuwa, at ceramic artwork.
Salin: Vera
Pulido: Ramil