1.7%, paglaki ng bolyum ng paninda sa buong daigdig —— WTO

2023-04-06 16:09:18  CMG
Share with:

Ayon sa Taunang Estadistika ng Kalakalan at Ulat ng Pananaw, na ipinalabas Abril 5, 2023 ng World Trade Organization (WTO), lalaki ng 1.7% ang bolyum ng kalakalan ng mga paninda sa buong mundo ngayong 2023.

 


Subalit, ito’y mas mababa kaysa 2.7% na paglaki noong 2022, at mas mababa rin kaysa 2.6% na karaniwang lebel ng paglaki nitong nakaraang 12 taon.

 

Tinukoy ng WTO na hindi pa rin mabuti ang pagtaya sa paglaki ng kalakalan ng buong mundo sa 2023, dahil sa epekto ng krisis ng Ukraine, mataas na implasyon, mahigpit na patakaran sa pananalapi at kawalan ng katiyakan sa merkado ng pinansyo.

 

Samantala, ayon kay Barbara D'andrea Adrian, Senior Statistician ng WTO, magiging mabuti ang Gross Domestic Product (GDP) at paglaki ng kalakalan ng Tsina sa taong ito.

 

Ito aniya ay magbibigay ng mahalagang ambag para sa pagbangon ng kabuhayan ng mga umuunlad na ekonomiya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio