Premiyer na Tsino, nakipagtagpo kay Pangulo ng Pransya at Presidente ng Komisyong Europeo

2023-04-07 17:15:40  CMG
Share with:

Nakipagtagpo umaga ng Abril 6, 2023, sa Great Hall of the People dito sa Beijing, si Premiyer Li Qiang ng Tsina kina dumadalaw na Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, at Ursula von der Leyen, Presidente ng Komisyong Europeo.

 

Sa kanyang pakikipagtagpo kay Macron, ipinahayag ni Li na nakahanda ang Tsina na ibahagi sa Pransya ang bagong pagkakataong dulot ng bagong pag-unlad ng Tsina.

 

Sina Premiyer Li Qiang ng Tsina at Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya


Aniya, iginigiit ng Tsina ang pagbubukas at kooperasyon, at inaasahan ang mas maraming dekalidad na produksyon, teknolohiya at serbisyo ng Pransya na pumasok sa pamilihang Tsina.

 

Umaasa ang Tsina na patuloy na mapapanatili ng Pransya ang pagbubukas para ipagkaloob ang pantay at walang diskriminasyon na kapaligiran ng negosyo para sa mga kompanyang Tsino, saad ni Li.

 

Ipinahayag ni Macron na napakahalaga ng pagsasagawa ng dekalidad na pagpapalitan at diyalogo sa pagitan ng Pransya at Tsina. Sumusuporta aniya ang kanyang bansa sa pag-unlad ng Tsina, at nakahandang palakasin ang kooperasyon ng dalawang panig sa kabuhayan at kalakalan, agrikultura, abiyasyon, enerhiyang nuklear, turismo, kultura at iba pang larangan, para magdulot ng bagong kasiglahan para sa komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Pransya.

 

Samantala, sa kanyang pakikipagtagpo kay Ursula von der Leyen, ipinahayag ni Li na ang relasyon ng Tsina at Unyong Europeo (EU) ay mayroong pandaigdigang katuturan at epekto sa buong mundo.

 

Sina Premiyer Li Qiang ng Tsina at Ursula von der Leyen, Presidente ng Komisyong Europeo


Aniya, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng EU, para gawin ang ika-20 anibersaryo ng pagtatatag ng komprehensibong estratehikong partnership bilang bagong punto ng pagsisimula, muling pasimulan ang pagpapalitan ng dalawang panig sa lahat ng antas, pabutihin ang pagtitiwalaang pulitikal sa isa’t isa, at balangkasin ang mga priyoridad ng kooperasyon, para likhain ang susunod na mas magandang 20 taon ng kooperasyon ng Tsina at EU.

 

Ipinahayag naman ni Ursula von der Leyen na nakahanda ang EU na magsikap, kasama ng Tsina, para panatilihin ang pagbubukas ng pamilihan ng isa’t isa, palalimin ang kooperasyon sa kabuhayan at kalakalan, pagkain, medisina, berdeng pag-unlad, pangangalaga sa intellectual property right (IPR).

 

Magkasamang mangunguna ang Tsina at EU sa komunidad ng daigdig na magkakasamang harapin ang mga pandaigdigang hamong tulad ng pagbabago ng klima at iba pa, dagdag niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil