Ganting hakbangin laban sa Hudson Institute at Reagan library, ipinatalastas ng Tsina

2023-04-07 16:32:59  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag na inilabas Biyernes, Abril 7, 2023 ng Ministring Panlabas ng Tsina, ipinasiya ng bansa na isagawa ang mga ganting hakbangin laban sa Hudson Institute, Ronald Reagan Presidential Library, at kaukulang namamahalang tauhan ng dalawang organisasyong ito.

 

Ipinagkaloob ng mga organisasyong ito ang plataporma at ginhawa para sa pagsasagawa ni Tsai Ing-wen, lider ng Taiwan, ng mga mapangwatak na aktibidad ng “pagsasarili ng Taiwan” sa kanyang “transit” na biyahe sa Amerika, bagay na malubhang lumalabag sa simulaing isang Tsina at mga alituntunin ng Tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, at nakakapinsala sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil