Mga institusyong sumusuporta sa “pagsasarili ng Taiwan,” pinaparusahan ng Tsina

2023-04-07 16:30:18  CMG
Share with:

Inanunsyo Biyernes, Abril 7, 2023 ng Tanggapan ng mga Suliranin ng Taiwan ng Konseho ng Estado ng Tsina ang kaparusahan laban sa "Prospect Foundation" at "Council of Asian Liberals and Democrats" ng Taiwan.

 

Sa ilalim ng instruksyon ng awtoridad ng Democratic Progressive Party, sa katwiran ng “demokrasya,” “kalayaan” at “kooperasyon,” buong tikis na pinalaganap ng nasabing dalawang institusyon ang paninindigan ng “pagsasarili ng Taiwan,” pinasulong ang “isang Tsina, isang Taiwan,” “dalawang Tsina,” at mga pangyayaring lumalabag sa simulaing isang Tsina, at pinalawak ang umano’y “espasyong pandaigdig” ng Taiwan, dagdag ng tagapagsalita.

 

Ang pagpasok ng mga namamahalang tauhan ng dalawang institusyong ito sa Chinese mainland at mga espesyal na rehiyong administratibo ng Hong Kong at Macao, at kooperasyon ng kaukulang organisasyon at indibiduwal ng mainland sa kanila ang ipinagbabawal, ayon sa kaparusahan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil