Sangsyon laban sa diehard na separatista ng “pagsasarili ng Taiwan,” pinag-ibayo

2023-04-07 16:25:40  CMG
Share with:

Inanunsyo Biyernes, Abril 7, 2023 ng tagapagsalita ng Taiwan Work Office ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang pagpapaibayo ng sangsyon laban kay Bi-khim Hsiao, diehard na separatistang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan.”

 

Ipinagbabawal ang pagpasok ni Hsiao at ng kanyang mga kapamilya sa Chinese mainland at mga espesyal na rehiyong administratibo ng Hong Kong at Macao, at ang pakikipagkooperasyon ng kanyang financial sponsors at kaukulang kumpanya sa mga organisasyon at indibiduwal ng mainland.

 

Isasagawa rin ang lahat ng ibang kinakailangang kaparusahan para sa habang-buhay na pagsisiyasat sa pananagutan alinsunod sa batas, dagdag ng tagapagsalitang Tsino.

 

Anang tagapagsalita, napatunayan at patuloy na mapapatunayan ng kasaysayan na dumadako sa dead end ang umano’y “pagsasarili ng Taiwan,” at tiyak na mabibigo ang probokasyon ng mga diehard na separatistang nakakaasa sa puwersang panlabas para hanapin ang “pagsasarili ng Taiwan.”

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil