Ilegal na pagpasok ng barko de giyera ng Amerika sa teritoryal na katubigan ng South China Sea, binatikos ng Tsina

2023-04-10 16:31:00  CMG
Share with:

Minatyagan, sinundan, at pinanatili ng People’s Liberation Army (PLA) ng Tsina ang mataas na alerto kaugnay ng ilegal na pagpasok ng USS Milius, isang Arleigh Burke-class Guide-Missle Destroyer ng Amerika, sa teritoryal na katubigan ng Tsina sa paligid ng Meiji Reef sa South China Sea.

 

Ito ang ipinahayag Abril 10, 2023, ni Tian Junli, tagapagsalita ng Southern Theater Command ng PLA .

 

Diin niya, mayroong di-mapabubulaanang soberanya ang Tsina sa mga isla at katubigan sa paligid ng South China Sea.

 

Pananatilihin ng Southern Theater Command ng PLA ang mataas na alerto at pangangalagaan ang soberanya at seguridad ng bansa, kasama na ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea, dagdag ni Tian.

 

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio