Merkado ng big data ng Tsina, tinatayang katumbas ng 8% ng kabuuang saklaw ng daigdig

2023-04-10 15:34:21  CMG
Share with:



Ini-ulat ng International Data Corporation (IDC), kompanya ng pananaliksik sa pandaigdigang pamilihan, ang merkado ng big data ng Tsina ay inaasahang aabot sa halos katumbas ng 8% ng kabuuang saklaw ng mundo.

 

Anito, sa ilalim ng pagpapasulong ng kabuhayan, at transpormasyong didyital ng bansa, umabot sa halos US$17 bilyon ang pamumuhunan sa information technology (IT) sa merkado ng big data ng Tsina noong 2022.

 

Bilang mga pangunahing gumagamit, ang gastos ng mga lokal na pamahalaan, sektor ng pagbabangko, at mga serbisyong propesyonal at telekomunikasyon ay katumbas ng mahigit 60% ng kabuuang gugulin sa merkado ng big data, dagdag pa ng ulat.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio