Grupong mula sa Saudi Arabia, dumating sa Iran para sa pag-uusap hinggil sa muling pagbubukas ng mga pasuguan at konsulada

2023-04-10 15:25:42  CMG
Share with:

Ayon sa Ministring Panlabas ng Saudi Arabia, dumating Sabado, Abril 8, 2023 sa Tehran, kabisera ng Iran, ang working group na ipinadala nito para sa isang napipintong talakayan.

 

Kaugnay nito, isiniwalat ng media ng Iran na layon ng nasabing working group na talakayin ang hinggil sa muling pagbubukas ng pasuguan ng Saudi Arabia sa Tehran at konsulada heneral sa Mashhad.

 

Nang araw ring iyon, tinalakay ng mga miyembro ng nasabing grupo, kasama ng kaukulang namamahalang tauhan ng Ministring Panlabas ng Iran ang mga detalye ng nasabing usapin.

 

Pinasalamatan ng Saudi Arabia ang mainit na pagtanggap ng panig Iranyo.

 

Ipinagdiinan din ng opisyal ng Iran na ipagkakaloob ang lahat ng kinakailangang ginhawa para sa gawain ng Saudi Arabia sa bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio