2023 Spring Breeze Action, 38 milyong trabaho inilabas

2023-04-12 16:15:48  CMG
Share with:

Magkakasamang isinagawa ng 11 departamento ng Tsina na kinabibilangan ng Ministry of Human Resources at Social Security ng Tsina (MOHRSS) at iba pa ang 2023 Spring Breeze Action initiative noong unang kuwarter ng taong ito.

 


May kabuuang 58 libong iba’t ibang uri ng recruitment ang ginanap at nagkaloob ng 38 milyong trabaho.


Ipinahayag ni Yun Donglai, isang opisyal ng MOHRSS na ipinagkaloob ng 2023 Spring Breeze Action ang suporta ng human resources para sa mga kumpanya na nakakatulong sa katatagan ng kalagayan ng paghahanap-buhay.

 

Bukod dito, sa Spring Breeze Action ngayong taon, maraming bagong trabaho ang naging hot spot para sa mga kabataan, tulad ng livestream at iba pa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil