Restriksyon ng Taiwan sa kalakalan ng mga produkto mula sa Chinese mainland, ini-iimbestigahan

2023-04-13 16:44:07  CMG
Share with:

Inanusyo Abril 12, 2023, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina (MOC) ang pagsasagawa ng trade barrier investigation laban sa mga restriksyong ipinataw ng Taiwan sa mga produkto mula sa Chinese mainland.

 


Isinumite ng China Chamber of Commerce of the Import and Export of Foodstuffs, Native Produce and Animal By-Products; China Chamber of Commerce of Metals, Minerals & Chemicals Importers & Exporters; at China Chamber of Commerce for the Import and Export of Textiles, Marso 17, 2023 sa MOC ang aplikasyon para sa pagsasagawa ng naturang imbestigasyon.

 

Kabilang sa imbestigasyon ay 2,455 aytem at kinauukulang hakbanging itinakda at ipinatupad ng Taiwan upang hadlangan ang mga produkto mula sa Chinese mainland, ayon sa MOC.

 

Nakatakdang matapos ang imbestigasyon sa Oktubre 12, 2023, at posibleng maipagpaliban hanggang Enero 12, 2024, kung lilitaw ang mga eksepsyonal na sirkumstansya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio